Siya ay tipikal na madaldal. Taong maaari mong makausap tungkol sa mga problema at saloobin mo sa buhay, ito man ay tungkol sa kahit anong bagay. Makakaasa kang sasagutin ka niya sa abot ng kanyang makakaya. View my complete profile
Ang blog na ito ay ginawa para sa mga taong walang makausap ukol sa mga bagay bagay tungkol sa kanilang simple, komplikado, masaya, malungkot, ma-emo, makikay, maepal, makulay at weirdong buhay. Partikular na maaring talakayin sa usapang buhay ang kanilang mga problema, kaibigan, ka-ibigan, pamilya, eskwela, pera o kung anu mang walang kwenta sa buhay nila, na shempre -- gusto nilang pagusapan.
Paalala:
1. Ang lahat ng nais magbahagi ng kanilang kwento, nais humingi ng payo o nais lamang makipagusap ay mangyari lamang na mag-iwan ng mensahe sa -- siatebetchay@yahoo.com -- Maari kayong gumamit ng codenames kung kayo'y nahihiya, natatakot o simpleng ayaw lamang magpakilala o makilala. Ang lahat ng inyong mail letters about life ay maipopost dito kasama ang karampatang sagot na hinihingi ninyo.
2. Iwasan sana natin ang mga hindi kanais-nais na salita gaya ng pagmumura, pang-iinsulto o kabastusan para sa mga mambabasa. Pero kung galit na galit ka na, ang pagmumura ay mapapalampas pa basta ang amin lamang pong pakiusap respeto po sa iba.
Paunawa: Kung kayo ay susulat, ito lamang ay nagsasaad na kayo ay pumapayag na ilahad sa blog na ito ang lahat ng laman ng inyong mail letters.
Ang lahat ng mapaguusapan sa blog na ito ay matatabunan ng matatabunan at mapagiiwanan ng panahon kalaunan, pero pwede mo din namang balik balikan, shempre kung gusto mo lang naman. ;)